^

Probinsiya

17-anyos na PWD pinasok, ni-rape ng garbage collector

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — Arestado ang isang empleyado ng munisipyo matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang person with disability (PWD) na dalagita kamakalawa sa bayang ito.

Hindi pa tinukoy ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek na isang garbage collector ng munisipyo ng Mariveles, Bataan makaraang ipagharap ng reklamo ng isang 17-anyos na PWD.

Lumalabas na nag-iisa umano ang biktima sa bahay nito nang pasukin ng kanilang kalugar na suspek at doon na ginawan ng kahalayan.

Ayon sa mga kapitbahay, narinig umano nila ang pag-iyak ng biktima habang ang suspek ay nananatili pa sa loob ng kanilang bahay.

Tiyempo namang dumating din ang ate ng biktima hanggang sa pagtulungang arestuhin ng kanilang mga kapitbahay ang papatakas na suspek.

Kahit may kapansanan,  nagawa namang ikuwento ng biktima sa ate nito ang ginawang panggagahasa sa kanya ng suspek.

Nahaharap sa kasong Rape in Relation to R.A. 7610 ang suspek na nakadetine na sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

CRIME

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with