^

Probinsiya

OFW na beki, 30 beses sinaksak ng ‘dyowa’

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
OFW na beki, 30 beses sinaksak ng �dyowa�
Patay na at naliligo sa sariling dugo nang madatnan ng mga awtoridad ang biktima na si Jerwin Mapalo Ishii, 36 anyos ng Brgy. 36A Caridad, Cavite City. Siya ay nagtamo ng mahigit 30 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

CAVITE, Philippines – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na miyembro umano ng LGBT community matapos tadtarin ng saksak ng kanyang kainumang lalaki na sinasabing karelasyon sa Cavite City kahapon.

Patay na at naliligo sa sariling dugo nang madatnan ng mga awtoridad ang biktima na si Jerwin Mapalo Ishii, 36 anyos ng Brgy. 36A Caridad, Cavite City. Siya ay nagtamo ng mahigit 30 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kinilala naman ang suspek na si George Basa Delos Santos Jr., 26, binata, isang mangingisda at nakatira sa 1359 Bagong Purok St. Brgy 36M Caridad, Cavite City.

Sa ulat sa tanggapan ni P/Lt. Col. Jerry Corpuz, alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa kuwarto ng bahay ng suspek.

Nag-iinuman umano ang biktima at suspek nang sila ay magkaroon ng pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.

Nabatid na dakong alas-6:30 na ng umaga nang magtungo ang tiyuhin ng suspek sa pulisya at ini-report ang ginawa ng pamangkin na pagpatay kaya agad silang rumesponde sa lugar at kusa naman umanong sumuko ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kaukulang kaso.

Umamin na umano ang suspek sa krimen at sinabing napikon siya sa kakulitan ng biktima kaya niya pinagsasaksak.

Sa kabila nito, binig­yang diin ng mga kapitbahay na naniniwala silang may relasyon ang biktima at suspek na nagsasama umano sa nasabing bahay.

Sa kabila nito, itinanggi ng suspek na may relasyon sila ng biktima at tanging ang pagkapikon lang nito ang kanyang idinahilan sa pagpatay niya sa huli na kasa-kasama niya sa loob ng kanyang kuwarto.

vuukle comment

LGBT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with