^

Probinsiya

Bulacan, isinailalim na sa state of calamity

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan kasabay ng pagpapatibay ni Gobernador Daniel Fernando sa Panlalawigang Kapasiyahan Blg. 579-T’2023 noong Hulyo 31, 2023.

Idiniin ni Fernando ang pangangailangan sa ­deklarasyon ng state of calamity sa Bulacan dahil sa inabot nilang malawak na pinsala na idinulot ng pagbaha sa agrikultura, livestock at imprastraktura.

“Kailangang-kailangan iyan dahil unang-una ang ating agricultural damages is almost P80 million, ‘yung livestock and hogs natin ay halos P3 million. Wala pa po diyan ang infra,” anang gobernador.

Ayon sa kapasiyahan na iniakda ng Pinunong Tagapangulo ng Sangguniang Panlalawigan at Bise Gob. Alexis C. Castro, naapektuhan ng kalamidad ang may 228,648 pamilya mula sa 171 barangay sa lalawigan dulot ng bagyong Egay na pinalakas pa ng hanging Habagat.

Iniulat din ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na 21,367 indibidwal o 5,631 pamilya ang lumikas dahil sa pagbaha sa kanilang lugar.

Bunsod nito, nanawagan na si Fernando sa mga miyembro ng Kongreso na gawing prayoridad ang agaran at kumprehensibong solusyon sa deka-dekadang problema ng pagbaha sa lalawigan sa ginanap na Technical Working Group Meeting ng House Committee on Public Works and Highways.

vuukle comment

BULACAN

CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with