^

Probinsiya

Cagayan isinailalim sa state of calamity

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Tuluyan nang isinailalim kahapon sa state of calamity ang lalawigang ito dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Egay na nanalasa sa hilagang Luzon.

Ayon kay Gov. Ma­nuel Mamba, ang pagdedeklara ng state of calamity ay base sa reso­lusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan  dahil sa matinding pinsala na natamo ng lalawigan.

Ayon sa ulat, nagtala ang lalawigan ng nasa P539,442,500.93 halaga ng pinsala sa agrikultura, habang P862,300,000 naman sa imprastraktura at P1,050,380.00 sa livestock.

Umabot naman sa 7,272 kabahayan ang partially damaged, 198 ang totally damaged habang nasa 27,940 na pamilya naman o 93,273 katao ang naapektuhan sa buong lalawigan.

Sinabi ni Leon DG Rafael Jr., OCD regional director, na umabot sa 7,300 kabahayan ang partially destroyed, 203 ang totally damaged habang 28,666 na pamil­ya o 95,618 katao ang apektado ng bagyo sa buong Cagayan Valley o Region 2.

Bago pa man isinailalim sa state of calamity ang buong Cagayan,  una nang nagdeklara ng state of calamity ang mga ba­yan ng Calayan Island at Sanchez Mira na labis na naapektuhan sa bagyong Egay.

Personal na dinalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Cagayan noong Sa­bado at pinangunahan ang pagbibigay ng relief supplies at cash assistance sa mga biktima ni Egay sa Tuguegarao City na sinundan sa Kalinga at iba pang mga bayan sa Cagayan.

Samantala, nasa state of calamity na rin ang lalawigan ng Apayao matapos namang magtala ng halos P1.2 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

vuukle comment

CALAMITY

EGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with