^

Probinsiya

Anak grabe sa saksak ni tatay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Anak grabe sa saksak ni tatay
Ang biktimang nakilala lang na si Ariane May Ilagan ay nilalapatan na ng lunas sa Quirino Memorial Medical Center bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang kanyang amang si Frederick Ilagan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang anak matapos pagsasaksakin ng kanyang sariling tatay sa loob ng kanilang tahanan sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Ang biktimang nakilala lang na si Ariane May Ilagan ay nilalapatan na ng lunas sa Quirino Memorial Medical Center bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas at tinutugis na ng mga otoridad ang kanyang amang si Frederick Ilagan.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nang magtungo sa kanilang tanggapan ang ina ng biktima na si Jonna Ilagan at ini-report ang krimen na naganap sa kanilang tahanan sa Sitio Lumang Ilog, Floodway B, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Sa pahayag ng ginang, natutulog ang kanyang anak sa loob ng kaniyang silid nang biglang pumasok ang kanyang ama at tinanong dito kung nasaan ang kanyang nanay.

Nang sumagot umano ang biktima na hindi niya alam ay bigla na lang umanong bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang anak at saka mabilis na tumakas.

Kasong frustrated parricide ang kakaharapin ng suspek sa piskalya.

vuukle comment

TAYTAY MUNICIPAL POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with