^

Probinsiya

Magsasaka rumaket sa pagtutulak, tiklo sa P.9 milyong shabu at marijuana

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Isang magsasaka na rumaraket sa pagtutulak ng droga ang nadakip ng mga awtoridad sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Paitan sa bayan na ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Investigation Agent Jojo Gayuma, provincial officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Nueva Vizcaya ang nadakip na suspek na si James Baltazar, 33, residente ng Brgy. Sunlife, Naguillian, Isabela.

Nadakip si Baltazar matapos kumagat sa buy-bust na inilatag ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Nueva Vizcaya at Ifugao, kabilang na ang Bayombong Police sa Caliguis Quary site, Purok 4, Barangay Paitan dakong alas-10:25 ng umaga.

Nakuha sa suspek ang 4-plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo at tinatayang nasa P204,000 ang halaga.

Bukod sa shabu, nakuha rin sa suspek ang 5-bricks ng marijuana na may timbang na 5 kilo at nagkakahalaga sa P600,000, habang 2 tig-kakalahating kilo pang hiwalay na marijuana bricks na nasa P120,000 naman ang halaga ang narekober din ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with