^

Probinsiya

2 parak, 3 pa timbog sa ‘extortion’ sa Egyptian

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
2 parak, 3 pa timbog sa �extortion� sa Egyptian
Sina Police Cpl. Ro­derick Bajado at Staff Sgt. Randy Batonhinog ay sinibak na rin sa kani-kanilang puwesto sa Dasmariñas at Imus City Police Stations matapos silang maaresto ng mga operatiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang pulis at tatlong sibilyan ang inaresto dahil umano sa pangingikil sa isang Egyptian national na inakusahan ng panggagahasa sa Dasmarinas City, Cavite nitong Huwe­bes ng gabi.

Sina Police Cpl. Ro­derick Bajado at Staff Sgt. Randy Batonhinog ay sinibak na rin sa kani-kanilang puwesto sa Dasmariñas at Imus City Police Stations matapos silang maaresto ng mga operatiba ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Sa ulat ni IMEG direc­tor Brig. Gen. Warren de Leon, ang dalawang nasabing pulis kasama ang mga sibilyang sina Ne­mecio Sevilla, Jacquiline Rubenacia, at Jessa Rose Dalsaitan ay dinakip sa Barangay Salitran IV dakong alas-6 ng gabi.

Sinabi ni De Leon na hina-harass ng mga pulis at mga kasamahan ang Egyptian national mula sa Dasmariñas na kanilang binabantaang kakasuhan ng rape kung hindi magbabayad sa kanila ng P200,000.

Ang Egyptian ay itinatanggi ang alegasyong panggagahasa laban sa kanya at sinabi sa imbes­tigador na binantaan pa siya ni Cpl. Bajado na ipakukulong at sisirain ang kanyang reputasyon sa social media kapag hindi makapagbibigay ng hinihirit na pera.

Bunsod nito, agad na ikinasa ng IMEG ang entrapment operation kasama ang biktimang dayuhan laban sa mga suspek.

Agad pinosasan ang dalawang pulis at tatlong kasamahan matapos nilang tanggapin ang P112,000 marked money mula sa biktima.

Inihahanda na ang kasong robbery extortion laban sa mga suspek at mahaharap din sa dismissal proceedings ang dalawang pulis.

vuukle comment

IMEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with