^

Probinsiya

Lolo, 31 beses sinaksak sa kubo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Lolo, 31 beses sinaksak sa kubo
Kinilala ng Jones Police ang biktima na si Diosdado Buenafe, isang magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.
File photo

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Naliligo sa sariling dugo at patay na ang isang 65-anyos na lolo nang matagpuan matapos pagsasaksakin sa kanyang kubo sa Barangay Fugu, bayan ng Jones ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng Jones Police ang biktima na si Diosdado Buenafe, isang magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na dakong alas-9:00 ng umaga nang ipaabot sa himpilan ng pulisya ang karumal-dumal na sinapit ng biktima matapos madiskubre mismo ng kanyang anak ang bangkay ng biktima na nakahiga sa duyan sa loob ng kubo.

Noong una ay inakalang nagpakamatay ang biktima subalit nang siyasatin ang kanyang bangkay ng pulisya ay nakita ang nasa 31 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Palaisipan ngayon sa pamilya at sa mga imbes­tigador kung sino ang responsible sa krimen at kung ano ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with