^

Probinsiya

Negosyanteng seaman itinumba sa tindahan

Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Bulagta ang isang negosyanteng seaman matapos pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa loob mismo ng kanyang hardware store sa Lucena City, Quezon, noong Biyenes ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Erick Roranes, hepe ng Lucena City Police, ang biktima ay kinilalang si Ispin Luzanta Monteclaro, 52,

Sinabi ni Roranes, si Monteclaro na dumating sa Pilipinas mula sa ibang bansa nitong nakalipas na buwan, ay nag-iisa sa kanyang tindahan nang biglang dumating at pumasok ang isang ‘di kilalang suspek na nakasuot ng camouflage hoodie jacket at walang sabi-sabing binaril nang malalpitan ang biktima sa Barangay Bocohan, dakong alas-7:30 ng gabi.

Posibleng isang contract o hired killer, ayon sa pulisya, ang suspek na umaktong normal at tila walang nangyari nang kanyang paputukan ang biktima at naglakad lamang patakas sa lugar.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Lucena United Doctors Hospital ng kanyang mga kaanak subalit idineklarang patay habang sumasailalim sa gamutan.

Dalawang anggulo na personal grudge at usapin sa pera ang sinisilip ng mga im­bestigador na posibleng motibo sa krimen, dahil sa may isang babae umano ang umutang ng malaking halaga sa biktima.

Tatlong basyo ng bala ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng pagpatay.

vuukle comment

SEAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with