^

Probinsiya

Rider pinatay ng 3, motorsiklo tinangay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider matapos barilin nang malapitan at tinangay pa ang motorsiklo nito ng tatlong hindi pa kilalang suspek noong Martes sa Matalam, Cotabato City.

Dead-on-the-spot ang biktima na si Albert Ledesme ng Brgy. Manuban, Matalam, Cotabato City.

Makikita sa CCTV na pumarada si Ledesma sa gilid ng kalsada sa Barangay Poblacion dakong alas-7: 50 ng gabi at nagtungo sa isang tindahan.

Dito naman dumating ang tatlong suspek na sakay ng iisang motorsiklo.

Pagbalik ng biktima, isa sa mga suspek ang kumausap dito at umalis.

Nang pasakay na si Ledesma sa kanyang motorsiklo, agad lumapit ang isa pang suspek at malapitan siyang binaril sa ulo.

Pagkatumba ng biktima, dito na tinangay ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.

Ayon sa pulisya, posibleng sinundan ng mga suspek ang biktima.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ng pamamamaslang habang nanawagan naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.

vuukle comment

ALBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with