^

Probinsiya

Misis hinataw ng tangke ng super kalan, tinarakan pa ng ice pick

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Misis hinataw ng tangke ng super kalan, tinarakan pa ng ice pick
Kusang sumuko sa otoridad ang asawa ng biktima na si Rolando Bonete, residente rin ng nasabing lugar.
STAR/ File

DASMARIñAS CITY, Cavite, Philippines — Nasa kritikal na kalagayan ang isang ginang matapos hatawin sa ulo ng tangke ng super kalan ay sinaksak pa ito ng ice pick naganap kahapon sa Brgy. Paliparan 3 ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay patuloy na inoobserbahan sa ospital ay nakilalang si Catherine Logronio, nasa hustong gulang, residente ng Blk 179, Lot 17, Phase 4, Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas City, Cavite.

Kusang sumuko sa otoridad ang asawa ng biktima na si Rolando Bonete, residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni PMsg George Fajardo Jr., bago naganap ang insidente, alas-6:30 ng umaga sa loob ng kanilang bahay ay nagtalo ang mag-asawa sa hindi pa matukoy na kadahilanan.

Sa gitna ng pagtatalo ng mag-asawa ay naburyong ang suspek at nadampot nito ang tangke ng kanilang super kalan at inihataw sa ulo ng misis.

Hindi pa ito nasiyahan ay kumuha ng ice pick at pinagsasaksak pa ang misis sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay ang kapatid ng biktima at itinakbo ito sa Pagamutan ng Dasmariñas.

vuukle comment

PALIPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with