^

Probinsiya

Fetus iniwan sa banyo ng eskwelahan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Fetus iniwan sa banyo ng eskwelahan
Ayon sa mga medical personnel ng Bicol Regional Hospital and Medical Center, tinata­yang nasa 10-week old o higit tatlong buwan pa lang ang fetus at hindi pa malaman kung aksidente o sinadya itong ilaglag ng hindi pa malamang ina at iniwan sa sahig ng palikuran.
Image by Christian Abella from Pixabay

DARAGA, Albay, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang responsableng nag-iwan ng isang fetus sa pambabaeng banyo ng Daraga Community College sa bayan ng Daraga, Albay, na natagpuan, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa mga medical personnel ng Bicol Regional Hospital and Medical Center, tinata­yang nasa 10-week old o higit tatlong buwan pa lang ang fetus at hindi pa malaman kung aksidente o sinadya itong ilaglag ng hindi pa malamang ina at iniwan sa sahig ng palikuran.

Sa ulat, pasado alas-8:00 ng gabi ay nagulat ang isang estudyanteng babae nang pagpasok sa banyo ay bumulaga sa kanya ang fetus sa sahig.

Agad itong ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng paaralan at agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis.

Tinutukoy pa kung sa isang babaing estudyante na buntis ang fetus, o kung mula sa labas ng paaralan ang nag-iwan nito at binitbit ng pusa.

vuukle comment

DARAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with