^

Probinsiya

Masungi inspeksyunin para ‘di magaya sa Chocolate Hills

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kung hindi ganap na mailalantad sa publiko ang mga aktibidad sa loob ng nasasakupan ng deklaradong protected area na Masungi Georeserve Park sa Rizal ay posibleng matulad ito sa pamosong Chocolate Hills sa Bohol.

Ayon sa Rizal-based environmentalist na si Bernadette Torres, kailangang magkaroon ng pisikal na inspeksiyon ang mga kinauukulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahintulot ng grupong umaaktong caretaker ng lugar sa mga otoridad lalo na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ito ay mapasok.

Ang DENR at ang Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) ay magugunitang lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nitong 2017 na nagsasaad na ang naturang grupo ang magiging tagapangalaga ng tinatayang 2,700 ektaryang kagubatan at wildlife sanctuary.

Ayon kay Torres, dapat na makita ang kabuuang bahagi ng lugar na pinangangasiwaan ng MGFI upang matiyak na wala itong nalalabag sa mga nilalaman ng kasunduan lalo na nga tungkulin na panatilihin ang natural na kaanyuan ng lugar. Bago pa man mabuo ang kasunduan sa pagitan ng DENR at MGFI, una nang naglabas ng ilang ordinansiya ang lokal na pamahalaan ng Tanay na nag-aatas sa grupo na itigil ang ilang aktibidad sa loob ng lugar na nakakasira umano sa mga natural na pormasyon nito at naging dahilan para hindi makapasok ang mga katutubo.

vuukle comment

BOHOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with