^

Probinsiya

Misis ng judge, todas sa tandem

Doris Franche, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Misis ng judge, todas sa tandem
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Agnes Cabauatan-Palce, 58, misis ni Judge Ariel Palce, ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40 at internal audit department manager ng Isabela Electric Cooperative 2.
STAR/File

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Isang 58-anyos na misis ng isang huwes at manager ng kooperatiba ang nasawi nang pagba­barilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Agnes Cabauatan-Palce, 58, misis ni Judge Ariel Palce, ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40 at internal audit department manager ng Isabela Electric Cooperative 2.

Batay sa ulat ng Ilagan City-PNP, bago naganap ang krimen, alas-5:00 ng hapon sa Barangay San Felipe, ng naturang lungsod ay sakay ang biktima ng service vehicle ng Audit Department ng ISELCO 2 at may kasama siyang driver at empleyado sa sasakyan.

Pauwi sa kanilang tahanan ang biktima sa bayan ng Tumauini nang bigla na lamang silang lapitan ng motorsiklo at dito ay bumunot ng baril ang angkas at binaril ang biktima na tinamaan sa panga.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman sa Isa­bela Doctors Gene­ral Hospital ang biktima, subalit dineklara itong dead-on-arrival.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

vuukle comment

DEAD

JUDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with