^

Probinsiya

Trader inutas ng ‘kostumer’ sa tindahan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Trader inutas ng �kostumer� sa tindahan
Kinilala ni P/Major Ronnie Caagbay, ­acting chief of police ng Zaragoza, ang biktima na si Rodante Cordova, 58, may-asawa, isang negosyante ng nasabing barangay.
STAR/File

ZARAGOZA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 58-anyos na lalaki makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang suspek na nagpanggap umanong kostumer ng kanyang tindahan sa Barangay Batitang sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Ronnie Caagbay, ­acting chief of police ng Zaragoza, ang biktima na si Rodante Cordova, 58, may-asawa, isang negosyante ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-8:35 ng gabi noong Martes nang dumating umano sa lugar ang dalawang lalaking suspek sakay ng isang kulay itim na motorsiklong Honda XRM. Nagkunwari umanong bibili sa tindahan ng biktima ang drayber ng motorsiklong suspek habang ang ­angkas nitong lalaki ang siyang nagsilbi umanong lookout.

Nang makatiyempo ang mga suspek, agad na isinagawa ang pamamaril sa biktima kung saan tinarget na barilin sa ulo ang biktima, gamit ang isang kalibre .45 baril, ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Wala pa umanong malinaw na motibong nakikita ang pulisya sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

RONNIE CAAGBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with