^

Probinsiya

Lider ng drug group, 1 pa nasakote sa Batangas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang sinasabing lider ng isang drug group at miyembro ng Dagupion-Gamponia Criminal Group sa isi­nagawang buy-bust ope­ration sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Ba­tangas, kahapon.

Kinilala ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) ang suspek na si Julius Yago y Gon­zales aka “Yago”, 48, may asawa, residente ng Brgy. 10, Lipa City.

Si Yago ay lider umano ng Yago Drug Group at miyembro ng Dagupio-Gamponia Criminal Group sa Ilocos Sur.

Naaresto rin sa naturang operasyon ang kasama ni Yago na si Regina Custodio y Villa aka “Regina”, 47, may asawa, negosyante­, re­sidente ng Brgy. Pinagkawitan ng naturang lungsod.

Ang naturang buy-bust operation ay ikinasa ng pinagsanib na pu­wersa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at Intelligence Section ng Lipa CPS (lead unit), Provincial Intelligence Unit (PIU-BPPO) at PIU-Ilocos Sur PPO.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang kulay puting plastic bottle na may kargang 17 na heat sealed transpa­rent­ plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 17.10 gramo at may DDB value na P116,280.00; isang ge­nuine money  na P1,000 at 16 na P1,000 na boodle money na ginamit sa naturang operasyon bilang marked money; isang electronic weighing­ scale; isang cal. 45 pis­­tol (Colt) na may ma­gazine na kargado ng pitong live ammunitions; at isang kulay itim na sling bag.Nasa kustodya ngayon ng Lipa City Police Station ang dalawang suspek.

vuukle comment

DDB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with