^

Probinsiya

P1 milyong reward sa magtuturo sa killers ng piskal

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahandang magbigay ng pabuyang P1 milyon ang pamilya sa sinumang makapagbibigay ng impormas­yon para maaresto ang mga salarin na pumatay kay Ilagan City, Isabela deputy prosecutor Victor Begtang Jr.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account ay sinabi ng anak ng pinaslang na si Justin Begtang na nakapagdesisyon ang pamilya na magbigay ng reward money sa sinuman na makapagbibigay ng pagkakaki­lanlan sa dalawang gunmen na siyang lumapit kay Deputy Pros. Begtang Jr. noong June 23, 2021 sa kanyang  auto repair shop na matatagpuan sa sitio Hanhan, Barangay Ma­lama, Conner, Apayao.

Ayon pa sa pulisya na namaukhaan ng biktima ang isa sa mga suspek na tumutok sa kanyang baril at nasabihan ang kanyang mga kasama na tumakbo bago siya pinagbabaril.

Kahit may mga tama na ay nagawang ma­katakbo ang biktima sa kanyang bahay, su­balit hinabol siya ng isang gunman at muling pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga gunmen gamit ang kanilang motorsiklo sa pagtakas ng masigurong patay na ang biktima.

Nagawa pang madala si Begtang Jr. sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Kaya’t umapela si Justin sa sinumang na­kasaksi at may alam na impormas­yon sa mga killer na ireport sa mga pulis o kontakin siya sa 09676792887, 09673020934 at 0927­8634851.

vuukle comment

REWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with