^

Probinsiya

Mister kinatay ng kaaway sa harap ng misis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mister kinatay ng kaaway sa harap ng misis
Ang biktima na na­matay noon din dahil sa rami ng tinamong saksak sa katawan ay nakilalang si Joshua Gulani Cariño, factory worker, residente ng B-217, L-6, Zone 10 AFP Housing.
STAR/ File

SILANG, Cavite , Philippines — Pinasok ng isang helper­ ang bahay ng isang 20-anyos na mister at dito ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay naganap  kahapon ng madaling araw  sa Brgy.Bulihan ng bayang ito.

Ang biktima na na­matay noon din dahil sa rami ng tinamong saksak sa  katawan ay nakilalang si Joshua Gulani Cariño, factory worker, residente ng B-217, L-6, Zone 10 AFP Housing.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen na nakilalang si  Julius Andres Reyes,  31, residente ng Brgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:40 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog katabi ang misis nito na si Diana Marie.

Nagising ang mag-asawa at nakita ang suspek na armado ng kutsilyo na kinuha nito sa kusina at sinugod ang biktima.

Nagpambuno ang da­lawa­ hanggang sa tu­lu­yang naagaw ng suspek ang pata­lim at  sunud-sunod nitong inundayan ng saksak hanggang sa bumulagta ang biktima.

Nabatid na may dating­ alitan ang suspek­ at biktima.

vuukle comment

BULIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with