^

Probinsiya

Bangka tumaob: 21 katao na-rescue ng PCG

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Cavite ang may 21 katao matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang motorboat dahil sa malalakas na hampas ng alon sa gitna ng karagatan ng Corregidor Islands sa Brgy. Amaya, Tanza ng lalawigang ito kamakalawa.

Sa ulat ng PCG, nakatanggap sila ng emergency call hinggil sa pagtaob ng isang motorboat sa gitna ng karagatan. Nang kanilang respondehan, nabatid na may 21 katao ang sakay ang bangkang MBCA Lady Tricia kabilang ang may-ari nito na si Delfin Mabesa, 37-anyos na siya ring nagmamaniobra ng naturang bangka.

Sa imbestigasyon, alas-10 ng umaga nang umalis ang motorboat sa Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite sakay ang 21 katao upang magsagawa ng “leisure swimming lesson”. Nang makarating sa gitna ng dagat sa Brgy. Amaya 7 ay dito na sila panandaling huminto upang simulan ang pag-aaral sa pag-langoy.

Dakong alas-3:30 ng hapon na nang magpasyang bumalik sa pampang ang mga biktima subalit nang paandarin na ang motorboat, dito na ito nagloko at dahil sa mga malalakas na alon ng dagat ay tuluyang tumaob.

Agad na nakahingi ng tulong si Mabesa at sa pagresponde ng PCG ay maayos na nailigtas ang lahat ng sakay ng motorboat.

vuukle comment

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with