^

Probinsiya

4 notoryus na ‘tulak’ todas sa shootout

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
4 notoryus na �tulak� todas sa shootout
Sa Midsayap, North Cotabato, sinabi ni Lt. Col. Glenn Loreto, commander ng Army’s 34th Infantry Battalion (IB), tatlong suspect ang napatay sa inilunsad na anti-drug operation sa Brgy. Kapinpilan. Midsayap, North Cotabato.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na pinaghihina­laang notoryus na drug pushers ang napaslang matapos na kumasa sa security forces sa magkahiwalay na anti-drug operations sa lalawigan ng Tawi-Tawi at North Cotabato nitong Sabado.

Sa Midsayap, North Cotabato, sinabi ni Lt. Col. Glenn Loreto, commander ng Army’s 34th Infantry Battalion (IB), tatlong suspect ang napatay sa inilunsad na anti-drug operation sa Brgy. Kapinpilan. Midsayap, North Cotabato.

Bandang alas-8:10 ng umaga habang isinisilbi ng pinagsanib na elemento ng Midsayap Police katuwang ang puwersa ng mga sundalo ang search warrant laban sa notoryus na grupo ni Tony Mamintal Doloan at mga kasamahan nito sa sindikato ng droga .

Gayunman, sa halip na sumuko ay nagpaputok ang mga suspect na nauwi sa palitan ng putok na tumagal ng 30 minuto na ikinasawi ng tatlo na kinilalang sina Talus Ba­lundi, Tata Mamintal at Fahad Angagao habang nagawa namang makatakas ni Doloan. Arestado naman ang iba pa ng mga itong kasamahan na sina Hazel Joy Camancho Mamintal, 38, at Satar Canton Manticayan, 23 na huli sa aktong tangan ang tig-isang medium sachet ng shabu.

Nakumpiska rin sa operasyon ang isang Bushmaster rifle, M16 rifle, M14 rifle, isang plastic box na naglalaman ng  anim na  medium-sized sachets ng shabu shabu at dalawang heaters.

Sa isa pang operas­yon, napaslang din ang isa pang notoryus na tulak na si Winnie Basanon, 40, nang makipagbarilan sa tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 6 sa anti-dug operations sa Bintawlan Island sa South Ubian, Tawi-Tawi.

Ayon kay Brig. Gen. Arturo Rojas, Commander ng Joint Task Force (JTF) Tawi-Tawi, si Basanon ay talamak na tulak ng droga sa lalawigan.

Nasamsam sa operas­yon ang isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang cal. 45 pistol at  sari-saring mga drug paraphernalia.

vuukle comment

IB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with