^

Probinsiya

Negosyanteng lola inutas ng 2 ‘kustomer’

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon
Negosyanteng lola inutas ng 2 �kustomer�
Agad nasawi ang biktima na kinilalang si Julie Ramos, 65-anyos, may-asawa, residente sa nasabing lugar matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
STAR/ File

Binatilyo sugatan sa ligaw na bala

ZARAGOSA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang negosyanteng lola  makaraang paulanan ng bala ng dalawang hindi kilalang lalaki na nagkunwaring mga kustomer sa isang sari-sari store habang sugatan ang isang 14-anyos na binatilyo na nadamay sa pamamaril sa Benitez Subdivision, Brgy. Concepcion ng ba­yang ito, noong Sabado ng gabi.

Agad nasawi ang biktima na kinilalang si Julie Ramos, 65-anyos, may-asawa, residente sa nasabing lugar matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa isang ospital sa Cabanatuan City ang binatilyong si Jonathan na nahagip ng bala habang bumibili lang umano ng load sa tindahan ng biktima.

Ayon sa pulisya, bandang alas-6:50 ng gabi habang nasa loob ng tindahan ang lola at abala sa pag-asiste sa mga custo­mer nang isang motorsiklo ang huminto sa kanilang harapan at bumaba ang dalawang naka-helmet na lalaki na nagkunwari pang bibili lang ng sigarilyo. Habang iniaabot na ng biktima ang sirgarilyo ay dito na siya pinaulanan ng bala ng mga suspek at nadamay ang binatilyo makaraang mahagip ng bala.

Tumakas ang mga suspek patungong Tarlac sakay ng isang hindi naplakahang motorsiklo.

Narekober sa crime scene ng 2-basyo ng caliber .45; 3-basyo ng caliber .9mm; 2-piraso ng deformed fire bullet at 2-piraso ng metal fragment.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with