^

Probinsiya

Nagpayabangan sa paglangoy, 1 nalunod

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GABALDON, Nueva Ecija, Philippines —  Nasawi ang isang 44-anyos na lalaki na bihasang manlalangoy matapos na ito ay malunod sa fishpond dahil sa kalasingan naganap kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jay Velasquez, may-asawa ng Barangay Malinao, ng bayang ito.

Bago naganap ang insidente, alas-6:00 ng gabi ay naimbitahan sa inuman ang biktima na caretaker ng naturang bukid at fishpond.

Habang lasing na ang biktima ay bumida ang isa ring caretaker at napag-usapan ang kagalingan nilang lumangoy ng biktima.

Naikuwento umano ng naturang caretaker na nilalangoy niya ang naturang palaisdaan na kanyang bi­nabantayan habang ang biktima ay sinabing marunong umano siyang lumangoy sa Pacific Ocean dahil laki umano siya sa tabing dagat ng Baler, Aurora.

Kahit medyo lasing na umano ang dalawa ay nagkayayaan ang dalawa na sumisid sa tubig ng palaisdaan na kung saan ay pinulikat ang biktima kaya’t pumailalim ito hanggang sa malunod.

vuukle comment

MALINAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with