^

Probinsiya

10 nagsusugal sa lamayan,inaresto

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
10 nagsusugal sa lamayan,inaresto
Sinabi ni P/Captain Aleeh Bacuyag, hepe ng Camalaniugan Police Stataion na isinuplong ng mga impormante ang pasugalan na isinasagawa sa burol ng isang Renz Gario na kinasasangkutan ng mga karamihan ay dayo at pinaniniwalaang may dalang COVID-19.
STAR/File

CAMALANUIGAN,Cagayan, Philippines — Sampung katao ang dinakip ng mga pulis matapos mahuling nagsusugal sa lamayan ng patay na walang suot na face mask at face shield sa Brgy. Agusi, kamakalawa.

Sinabi ni P/Captain Aleeh Bacuyag, hepe ng Camalaniugan Police Stataion na isinuplong ng mga impormante ang pasugalan na isinasagawa sa burol ng isang Renz Gario na kinasasangkutan ng mga karamihan ay dayo at pinaniniwalaang may dalang COVID-19.

Agad nilusob ng mga pulis ang lugar dakong alas 3:45 ng umaga kung saan ay nagsipulasan ang maraming sugarol at miron na nasa iba’t ibang lamesa na naglalaro ng baraha na kung saan 10 lang ang naaresto.

Nabatid na isa sa mga naaresto ay 66-anyos na lola na hindi nagawang tumakas dahil sa iniindang sakit na rayuma.

Sinampahan ng kasong paglabag sa batas ng illegal gambling at pagsuway sa panuntunan ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) na umiiral sa Cagayan.

vuukle comment

SUGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with