^

Probinsiya

2 trader nadale ng ‘Basag-Kotse’, 2 tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 trader nadale ng �Basag-Kotse�, 2 tiklo
Sa ulat mula kay Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Carlo Pantaleon, 28-anyos at Jefferson Sanchez, 28, habang tinutugis pa ang dalawang kasama na sina Jerickson Barinyas, at isang alyas “JL”.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Dalawang negosyante ang nabiktima ng “Basag-Kotse Gang” at nalambat ng pulisya ang dalawa sa apat na suspek sa loob lamang ng isang oras, dito sa lalawigan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat mula kay Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Carlo Pantaleon, 28-anyos at Jefferson Sanchez, 28, habang tinutugis pa ang dalawang kasama na sina  Jerickson Barinyas, at isang alyas “JL”.

Unang biniktima ng mga suspek ang negosyanteng si Mario Bono, 56, at kasama nitong si Evangeline Palo. Dakong alas-6:15 ng gabi nang madiskubre nila na basag na ang salamin ng kanilang sasakyan na naka-park matapos silang mag-kape lang sa San Antonio Café sa Brgy. Lalaan 2nd, Silang. Natangay dito ang laptop at bag na may P15,000.00 cash.

Sa tulong ng CCTV foo­tage ay nakilala ang mga suspek pero muling nambiktima sa J.P Rizal St., Galicia 3, Mendez. Nata­ngay sa babaeng negosyanteng si Juddie Alegre, 39, ang kanyang gamit at pera sa loob ng kotse na naka-park lamang sa nasabing lugar.

Sa follow-up ng pulisya, nalambat sina Pantaleon at Sanchez habang sakay at magkaangkas sa Honda Click black na tinanggalan nila ng plaka. Narekober sa dalawang suspek ang ibang mga gamit at konting pera na natangay sa mga biktima.

vuukle comment

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with