^

Probinsiya

Ginang tiklo sa P.6 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang 45-anyos na ginang matapos na maaresto sa ginawang buy bust operation ng mga pulis at makuhanan ng aabot sa 600-libong pisong halaga ng shabu sa Zone-7, Brillantes Compound, Brgy. Sabang, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Marlyn Deocariza Azuela, may-asawa, residente ng nasabing barangay at itinuturing na high value target at drug personality ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, kumagat ang suspek sa inilatag na buy bust operation laban sa kanya ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit, Camarines Sur Police Provincial Office at Naga City Police sa pangunguna ni Col. Marlon Catan.

Nang iabot ni Azuela sa pulis na poseur buyer ang biniling isang malaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P75,000 ay agad itong inaresto. Nang kapkapan, nakuhanan pa ang misis ng ilang malalaking sachet ng shabu na tumitimbang lahat ng 85-gramo at nagkakahalaga ng P600,000.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with