^

Probinsiya

2 babae nakaladkad ng traktor, lasog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines —  Isang 60-anyos lola at angkas na babae ang nalasog matapos silang masabit sa isang traktor at makaladkad habang bumabagtas sa kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Bancal, Carmona, dito sa lalawigan, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na sina Marilou Aquino Manique, ng #14 Kudarat  St., Phase 6 BPS, Molino V, Bacoor City, na nagsilbing driver ng motorsiklo at angkas na si Marissa Dela Cruz, 33.

Sa ulat, alas-9:35 ng gabi habang bina­bagtas ng Isuzu tractor na minamaneho ni Samuel Diwan, 30, ng Pandi, Bulakan ang highway nang may marinig umano silang mga sigaw mula sa ilang kasabayang sasakyan.

Agad huminto si Diwan upang alamin ang itinituro sa likuran ng kanyang minamanehong trak at bumaba ang helper nito para tingnan ito. Dito nila nadiskubre na nakasabit sa likurang bahagi ng kanilang trak ang isang motorsiklo na Honda Click 125 na sakay ang dalawang biktima na halos hindi na gumagalaw.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival ang mga biktima nang maisugod sa pagamutan habang inaresto ng pulisya ang driver at pahinante.

vuukle comment

TRACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with