^

Probinsiya

10 nag-iinuman sa videoke bar, dinampot

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
10 nag-iinuman sa videoke bar, dinampot
Ayon sa pulisya, bandang alas-10 ng gabi nang sorpresahin nila ang grupo na nagkakantahan at nag-iinuman sa lugar.
STAR/File

NUEVA ECIJA, Philippines — Arestado ang 10 kataong nag-iinuman at nagkakantahan sa loob ng isang videoke bar kabilang ang umano’y may-ari ng establisi­myento sa isinagawang sorpresang pagbisita ng pulisya sa lugar, noong Sabado ng gabi sa Barangay Alula sa bayan ng Talugtug, dito.

Kinilala ng pulisya ang mga dinakip na sina Jayson Flora, 35, may-asawa, negosyante at may-ari ng nasabing bar; Isagani Corsino, 42, may-asawa; Marvin Mabual, 18, binata, Jaime Catolico, 32, may-asawa; Eduardo Bambao, 45, may-asawa; Lori Flora, 51, may-asawa, pawang nakatira sa Barangay Cabiangan ng nasabing bayan; Hazel Remido, 32; Joanalyn Loveres, 35; Jennylyn Kudog, 30, at Clarisse Ann Ilustre, 22, pawang may asawa at residente sa Barangay Alula, Talugtug, NE.

Ayon sa pulisya, bandang alas-10 ng gabi nang sorpresahin nila ang grupo na nagkakantahan at nag-iinuman sa lugar.

Pagdating umano ng pulisya roon, nakita nilang walang suot na face mask at walang social distancing na malinaw umano na paglabag sa health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa ilalim ng umiiral na Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa lalawigan.

vuukle comment

INUMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with