^

Probinsiya

2 parak tiklo sa sabungan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 parak tiklo sa sabungan
Kinilala ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang ang mga inaresto na sina Police Master Sergeant Victor Angoluan, 41, nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company sa Camp Tirso Gador at P/Master Sgt. Robert Fernando, 31, na kasapi ng Calayan Police Station sa lalawigang ito.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang pulis ang dinampot ng kanilang mga kabaro matapos matiklong pumupusta sa loob ng sabungan sa Brgy. Bagumbayan, Tuao, Cagayan noong Linggo.

Kinilala ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang ang mga inaresto na sina Police Master Sergeant Victor Angoluan, 41, nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company sa Camp Tirso Gador at P/Master Sgt. Robert Fernando, 31, na  kasapi ng Calayan Police Station sa lalawigang ito.

Ayon sa report, dakong alas-2:45 ng hapon nang matiyempuhan ng Regional Integrity Monitoring and Enforcement team ang dalawang pulis na magkasamang nakikipagsigawan ng pusta sa loob ng sabungan sa Lakay Kiko Mamba Memorial Coliseum.

Sinabi ni Quilang na ang operasyon ay bahagi ng umiiral na internal cleansing activities ng pulisya na nagbabawal sa kanilang mga kasaping pumasok sa mga pasugalan at bahay aliwan.

vuukle comment

SABUNGAN

TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with