^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Notoryus na �tulak� utas sa buy-bust
Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Martin Pacba, nasa hustong gulang ng Brgy. ­Inspector, Sta. Rosa, Nueva Ecija na kabilang sa drug watchlist ng pulisya.
STAR/ File

ZARAGOZA, Nueva Ecija , Philippines —  Bulagta ang isang umano’y notoryus na drug pusher makaraang maki­pagbarilan sa pulisya sa isinagawang buy-bust ­operation sa Brgy. Concepcion ng bayang ito noong Sabado ng gabi.

 Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Martin Pacba, nasa hustong gulang ng Brgy. ­Inspector, Sta. Rosa, Nueva Ecija na kabilang sa drug watchlist ng pulisya.

 Ayon sa pulisya, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng intel / drug enforcement unit ng Zaragoza Police laban sa suspek. Bigla na lamang daw bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang pulisya.

Nakaiwas umano sa kapahamakan ang pulisya at ginantihan ng putok ang suspek na tinamaan sa katawan at namatay noon din. Nakuha sa suspek ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000.

 Ayon kay P/Major Eric Garcia, team leader ng ipinadalang operatiba ng scene of the crime operations (SOCO), nakuha rin sa crime scene ang  P500 marked money, tatlong P50 bill, isang caliber 38 revolver, tatlong fired cartridge cases ng 38 revolver, dalawang misfired 38 revolver at isang bala nito, tatlong fired cartridges cases ng cal. 9mm at isang kulay itim na Kawasaki Bajaj motorcycle na walang plaka.

vuukle comment

ERIC GARCIA

MARTIN PACBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with