^

Probinsiya

4.1 magnitude na lindoltumama sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Niyanig ng lindol ang islang bayan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay kahapon ng umaga.

Nagulat ang ilang mga residente nang biglang yumanig ang paligid na tumagal ng ilang segundo.

Ayon sa ulat ng Phi­lippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-9:17 ng umaga nang maramdaman ang pag­yanig na umabot sa ilang karatig bayan hanggang sa Legazpi City.

Aabot sa 4.1 magnitude ang lakas ng naram­damang pagyanig kung saan tectonic umano ang pinagmulan at may lalim na 23-kilometro.

Wala namang naging pinsala o nasaktan sa lindol maliban na lamang sa pagkagulat ng ilang residente at inakalang nahilo lamang sila.

vuukle comment

PHILVOCS

RAPU-RAPU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with