^

Probinsiya

Mister inutas sa harap ng kagawad

Raymund ­Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mister inutas sa harap ng kagawad
Kinilala ni P/Lt. Co­lonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang pinatay na si Wilcado Canaya na nagtamo na tama ng bala sa ulo.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Itinumba ng pinaniniwalaang bayarang berdugo ang isang 56-anyos na mister habang nakikipagkwentuhan sa kanilang kagawad sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. Namambalan ng lungsod na ito noong Sabado.

Kinilala ni P/Lt. Co­lonel George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police ang pinatay na si Wilcado Canaya na nagtamo na tama ng bala sa ulo.

Natalsikan pa ng dugo si Kagawad Melanio Baccay na nakitang tumakas ang killer sakay ng isang puting pickup na tumalilis patungo sa direksyon ng Isabela dakong alas-8:50 ng gabi.

Ayon sa report, nagpaputok pa ng ilang ulit ang mga kasamahan ng suspek na nag-iwan ng mga basyo ng bala ng M16 armalite rifle sa lugar. 

Isinugod sa People’s Emergency Hospital si Canaya subalit hindi na siya umabot nang buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

vuukle comment

GEORGE CABLARDA

MELANIO BACCAY

WILCADO CANAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with