^

Probinsiya

4 magkakaklase tiklo sa ‘damo’

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  – Apat na magkakaklase sa senior high school kabilang ang isang menor-de-edad ang naaktuhang humi­hithit ng marijuana sa isang abandonadong bahay sa isang subdivision sa Brgy. Lantic, Carmona, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga estudyante na sina Christian Espiritu, 18; Roy Paquita, 19; John Michael Bartolazo, 19; at isang alias Jomar, 17, pawang mga residente ng Carmona, Cavite. Sa ulat ng Carmona Police kay Cavite Provincial Director P/Lt. Col. Marlon Santos, alas-4:15 ng hapon nang ireport ng barangay at sekyu ng Carmona Estates, Phase 4 Amandala ang umano’y pagkakahuli nila sa apat na nagma-marijuana session sa loob ng isang abandonadong bahay sa Blk. 6, Lot 22 ng nasabing subdivision. Ka­sama ang Paceer Security Agency Inc. sa paghuli sa mga estudyante. Ayon sa guwardya, nakita nito ang pagpasok ng mga estudyante sa abandonadong unit na ikinaduda nito kung kaya agad siyang tumawag sa barangay at pulisya. Narekober sa mga estudyante ang isang glass pipe na may marka pa ng mga dahon ng marijuana.

vuukle comment

CHRISTIAN ESPIRITU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with