^

Probinsiya

2 linemen kisay sa kuryente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines —Dalawang linemen ang nasawi matapos na kapwa makuryente habang itinutulak ang posteng ititindig nila sana sa tabi ng national highway sa Brgy. Gajo sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City pero kapwa idineklarang patay ang mga biktimang sina John Levy Racca Aligado, 21-anyos,residente ng Brgy. Bued Cuyapo at Joey Aglibot Pacleb, 30-anyos, residente ng Brgy. Maycaban, Cuyapo, Nueva Ecija, pawang empleyado ng Converge Pure Fiber Technology sa bayan ng Bacacay.

Sa ulat, dakong ala-1:50 ng hapon habang ina­alalayan at itinutulak ng mga biktima ang konkretong poste na nakabitin sa boom truck para itindig sa tabi ng kalsada nang aksidenteng tumama ang dulo nito sa high voltage na transmission line ng Albay Power Energy Corporation dahilan para sabay na nakuryente at nangisay ang dalawa.

Agad silang sinaklolohan ng rescue team at isinugod sa ospital pero parehong hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

KURYENTE

LINEMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with