^

Probinsiya

2 lolo sinuwag ng 2 jeep, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lolo sinuwag ng 2 jeep, patay
Hindi na uma­bot nang buhay sa paga­mutan ang mga biktimang sina Roland Julian, 62-anyos, at Eulogio Estrella, 61, kapwa residente ng ID Julian Street, Brgy. San Roque, Cardona dahil sa matitinding pinsala na kanilang inabot sa ulo at katawan.
File

RIZAL, Philippines —Dalawang lolo ang nasawi matapos na masagasaan ng dalawang passenger jeepney habang magkasabay na tumatawid sa kalsada sa highway ng Cardona, lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na uma­bot nang buhay sa paga­mutan ang mga biktimang sina Roland Julian, 62-anyos, at Eulogio Estrella, 61, kapwa residente ng ID Julian Street, Brgy. San Roque, Cardona dahil sa matitinding pinsala na kanilang inabot sa ulo at katawan.

Arestado naman ang mga driver ng magkahiwalay na passenger jeepney na sina Edgar Saligumba, 23, ng 1353 Hinayon Street, Brgy. Calumpang at Jan Miggs Tabadero, 22, ng Anore Street, Brgy. Mambog; kapwa sa Binangonan, Rizal.

Batay sa ulat, dakong alas-7:10 ng gabi habang magkasabay na naglalakad ang mga biktima at tumatawid sa national road sa Brgy. San Roque nang magkasunod silang mabangga ng mga pampasaherong jeepney na minamaneho ng mga suspek na patungong Binangonan.

Si Julian ay nabangga ng itim na Isuzu passenger jeepney (DXG-181) ni Saligumba at dinala sa Rizal Provincial Hospital sa Morong ngunit idineklarang patay habang si Estrella na nabundol ng pulang Isuzu passenger jeepney (TXE-759) ni Tabadero ay isinugod naman sa Queen Mary Hospital sa Cardona pero idineklara ring dead-on-arrival.

Ang mga suspek ay kapwa nakapiit sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

vuukle comment

CARDONA

LOLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with