^

Probinsiya

2 desperadong mister nag-suicide

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela,Philippines —Dalawang mister na dumaranas ng depresyon matapos na iwanan ng asawa habang may iniindang sakit ang isa ang kapwa nagbigti sa magkahiwalay na insidente sa Cagayan, kamakalawa.

Unang natagpuan ang bangkay ni Jaime Battad, 22, na nakasabit sa kanilang kusina sa Zone 4, Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan dakong alas-5:00 ng umaga.

Si Battad ay iniwan umano ng kanyang misis dala ang kanilang 1-taong gulang na anak noong Hunyo na nangakong babalik ang huli nitong Setyembre pero hindi na nagpakita pa. Dahil dito, palagi nang umiinom si Battad at sinasabing magpapakamatay hanggang sa makita na lamang siya kamakalawa ng kaanak na nakasabit sa kusina ng bahay ni Fernando Dasalla, kapatid ng kanyang asawa kung saan sila nakatira.

Samantala, dakong alas-10:50 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Romulo Laguitao, 55, ng Zone 6, Bical, Peñablanca, Cagayan. Si Laguitao na dumaranas ng matinding depresyon at insomnia dahil sa iniindang sakit ay nakitang nakabitin sa puno ng kawayan gamit ang isang tali.

vuukle comment

INSIDENTE

NAGBIGTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with