^

Probinsiya

Electrician hulog sa minahan, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Patay na nang maihaon sa abandonadong minahan ang isang 29-anyos na electrician matapos na aksidenteng mahulog sa malalim na hukay ng minahan habang nag-aayos ng sirang electric motor pump sa Sitio Tabing-Ilog, Purok-6, Brgy. Dalas, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sinubukan pang iligtas ng kanyang mga kasama pero patay na nang makuha ang biktimang si Christian Ciballo Mapusao. Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi, habang inaayos ng biktima kasama ang dalawang ka-barangay ang sirang electric motor pump na nakakabit sa lumang minahan nang aksidenteng madulas ang una at mahulog sa malalim na mining pit. Agad na sinaklolohan ng mga kasama at sinubukang iahon ang biktima pero dahil sa umaalingasaw na poison gas mula sa ilalim ng abandonadong minahan ay umatras sila at humingi ng tulong sa iba pang mga residente. Ilang sandali na tumagal ang rescue operation pero nang makuha ang biktima ay patay na.

ELECTRICIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with