^

Probinsiya

Drug ops sa Cavite: 2 tigok, 3 tiklo

Christina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Drug ops sa Cavite: 2 tigok, 3 tiklo
Nasa larawan ang isa sa dalawang drug suspects na bumulagta sa naganap na barilan nang manlaban ang mga ito sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, sa Cavite.
Maria Cristina Go Timbang

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang dalawang drug suspects habang naaresto ang tatlong kasamahan ng mga ito sa isinaga­wang drug-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Ang mga napatay na suspek ay sina Narciso Briggs, 38-anyos at Leonard Imas, 37, kapwa residente ng  Citihomes Subdivision sa naturang lugar.

Sa kalaboso naman ang bagsak ng tatlong kasama­han ng mga napatay na suspek na sina Roland Tabing, 46; Paulo Ramos, 30; at Richard Balakit, 31; pawang nasa watch list ng mga pulis.

Sa nakalap na ulat, isang malawakang buy-bust ang ikinasa ng mga otoridad dakong alas-10:30 ng gabi sa nasabing lugar target ang mga suspek hinggil sa talamak na pagtutulak ng mga ito ng droga sa kanilang lugar at karatig bayan.

Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kung kaya nagtatakbo ang mga ito at nakipagbarilan sa mga pulis.

Makaraan ng ilang minutong habulan at barilan ay bumulagta sina Briggs at Imas habang naaresto naman ang tatlong kasamahan.

Narekober sa mga ito ang ilang sachet ng shabu na di pa mabilang ang timbang, drug money at drug paraphernalias.

vuukle comment

DRUG-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with