^

Probinsiya

Motocross competition: 1 patay, 7 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Nabahiran ng dugo ang sana’y masayang motocross competition matapos na isang manonood ang nasawi habang pito pang katao ang nasugatan nang mawalan ng kontrol ang isang motocross rider at sumalpok sa mga taong nanonood sa Carmen National High School grounds sa Purok 6, Barangay Ising, Carmen, Davao del Norte, Sabado ng hapon.

Ayon kay Southern Min­danao Police Spokesperson Chief Insp. Milgrace Driz, kinilala ang namatay na si Tirso Casuga, 26-anyos habang ang mga sugatan na nagpapagamot sa isang ospital ay sina Gretchen Lagat, 28-anyos, Efren Abella Jr., 27-anyos, Christian Taba, 15-anyos, Jazhin Generoso, 13-anyos, Jeric Tranquilan, 18-anyos at, Christian Corton, 15-anyos.

Sa ulat, habang nanonood ng kompetisyon si Casuga kasama ang iba pang fanatic ng motocross sa Carmen National High School grounds sa Purok 6, Barangay Ising, dakong alas-3:30 ng hapon nang mawalan ng kontrol ang motocross rider na si Kent Jerecho Dimaano, 18-anyos, kung kaya’t biglang lumiko ito dahilan upang tuluy-tuloy sa lugar ng mga manonood at nasalpok ang mga biktima.

vuukle comment

MOTOCROSS COMPETITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with