^

Probinsiya

Pekeng pulis tiklo sa halalan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pekeng pulis tiklo sa halalan
Ayon sa imbestigasyon, mag-aala-1 ng hapon nang ma­sakote ang suspek ng pinagsanib na mga operatiba ng Provincial Intelligence Board ng Samar Provincial Police Office at Hinabangan Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Binobokalan, Hinabangan, Samar.
File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga lehitimong operatiba ng pulisya ang isang impostor na pulis na nasangkot sa pananakot ng mga botante sa Brgy. Binobokalan, Hinabangan, Samar kamakalawa ng hapon. Sa report ng Police Regional Office (PRO) 8,  kinilala ang nasakoteng suspek na si Jay Bernard Salidaga, tubong San Isidro, Leyte.

Ayon sa imbestigasyon, mag-aala-1 ng hapon nang ma­sakote ang suspek ng pinagsanib na mga operatiba ng Provincial Intelligence Board  ng Samar Provincial Police Office at Hinabangan Municipal Police Station (MPS)  sa Brgy. Binobokalan, Hinabangan, Samar.

Nauna rito, nakatanggap ng reklamo ang Hinabangan MPS na may pulis umanong nananakot ng mga botante sa bisinidad ng mga polling precincts. Ang suspek ay nakasuot pa ng uniporme ng pulis nang masakote ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya. Gayunman, nang beripikahin ng mga awtoridad ay natuklasang isa palang pekeng pulis si Salidaga na dinala na sa himpilan ng pulisya.   

vuukle comment

PEKENG PULIS

POLICE REGIONAL OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with