Paghuli sa PUVs ‘di nag-consolidate, arangkada na!
Bigo sa TRO
MANILA, Philippines — Umpisa ngayong Huwebes (Mayo 16), huhulihin na ang mga public utility vehicles (PUVs) na nabigong mag-consolidate sa itinakdang mga palugit ng pamahalaan.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), mas paiigtingin nila ngayon ang kanilang kampanya laban sa mga colorum vehicles partikular ang mga pampasaherong sasakyan na hindi nag-consolidate.
Kahapon, May 15, ay
tapos na ang grace pe-
riod na iginawad ng LT
FRB para sa mga pampasaherong sasakyan na hindi nag-consolidate kaya simula ngayong May 16 ay target na rin sa anti-colorum drive ng LTO ang mga PUVs na hindi nag-consolidate dahil maikokonsidera nang colorum vehicles ang mga ito.
Sinabi ng LTO na kanilang aasistehan ang Land Transportation
Franchising and Regula-
tory Board (LTFRB) sa
pagsasagawa ng anti-colorum operations lalo
na sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, magpapakalat sila ng mga enforcers upang matiyak na ang mga lehitimong drivers at operators lamang ang maaaring pumasada.
Ang crackdown sa mga ‘di na-consolidate na PUVs ay kasunod sa hindi pagpapalabas ng Supreme Court ng Temporary Restraining Order (TRO) na hinihirit ng grupong PISTON na pumipigil sa implementasyon ng PUV modernization program ng pamahalaan matapos kuwestyunin ang legalidad nito.
Nilinaw ni SC Spokesperson Camille Ting, na kahit hindi naglabas ng TRO, hindi pa ibinabasura ng Mataas na Hukuman ang petisyon ng transport group.
Sa halip na mag-isyu ng TRO, inatasan ng hukuman ang DOTr na maghain ng kanilang komento hinggil sa nasabing petisyon.
- Latest