^

Probinsiya

68-anyos na ama pinabulagta ng anak

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  — Patay ang isang 68-anyos na ama ma­­tapos barilin ng sariling anak sa kasagsagan ng kanilang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Parklane Subd., Brgy. Santiago, Gen. Trias, ng lala­­wigang ito  kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang biktima na si Glicirio Montilla, ng Phase 8, Blk 12, Parklane Subd., Brgy. Santiago Gen. Trias City.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang anak ng biktima na si Johnny Montilla, 33, may asawa, residente ng Sitio Bagong Silang, Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima nang magpunta doon ang suspek at nakipag-usap sa ama. Bigla umanong nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan nang mapikon ang anak sa panenermon at paninigaw ng ama hanggang sa kumuha ang una ng baril at agad na pinaputukan ang huli na duguang bumulagta.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima pero idineklarang patay habang ang suspek ay kusang loob na nagtungo sa istasyon ng pulisya at sumuko.

Nahaharap sa mga kasong parricide at paglabag sa Comelec Resolution 10247 ang nasabing suspek.   

vuukle comment

BARILIN

SARILING ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with