^

Probinsiya

3 holdaper utas sa nag-iisang parak

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS – Tatlong umano’y notoryus na holdaper ang bumulagta nang puwersahang pumasok sa shop na pag-aari ng isang pulis matapos na pumalag at matapang na nakipagpalitan ng putok ang huli sa Brgy. Ligtasan, Tarlac City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyan nang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng tatlong holdaper na napatay sa barilan.

Sa ulat kay Police Regional Director C/Supt. Aaron  Aquino, dakong alas-11:60 ng gabi habang abala sa kanilang shop si SPO2 Rodulfo Villaroman, 51, nakatalaga sa Police Community Precinct 2 ng Tarlac City Police Station kasama ang kanyang misis nang biglang pumasok ang tatlong armadong kalalakihan at nagdeklara ng hold-up.

Dito, agad na umalerto si Villaroman at nakatakbo upang kumubli subalit pinaputukan siya ng tatlong suspek. Nakakita naman ng pagkakataon ang pulis at gumanti ng putok na ikinatimbuwang ng tatlo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng kalibre .9mm at apat na bala nito, isang 1911 US Army caliber .45, magazines, dalawang kutsilyo at isang Yamaha Mio motorcycle na walang plaka.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with