^

Probinsiya

Sanggol tangkang lapain ng aso, nailigtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nailigtas sa tiyak na kamatayan ang sanggol na lalaki bago pa man ito lapain ng mga asong gala matapos itong matagpuan  ng isang retiradong guro sa bakanteng lote sa Zone 8, Phase 1, Country Homes Subdivision sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, dakong alas- 5:30 ng umaga nang matagpuan ni Adelaida Diones ang sanggol na nakasilid sa plastic at itinapon sa bakanteng lote.

Sa pahayag ni Diones, nagtaka siya sa pagtahol ng mga asong gala na pinagkakaguluhan ang plastic kaya kaagad niyang inusisa.

Bumungad kay Diones ang sanggol na gumagalaw at umuuha pa sa plastic na pinaglagyan na may dugo pa sa katawan.

Agad namang sinaklolohan ng matanda ang sanggol na isinugod sa Lying-In Ayala. Isinasailalim sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang ina ng bata upang mapanagot sa batas.

vuukle comment

LIGTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with