Bulkang Kanlaon nag-alboroto
MANILA, Philippines - Muling nag-alboroto ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa paligid nito kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig isang mahinang pagbuga ng puting usok ang naitala sa bunganga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi pa ng Phivolcs na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon na maaari umanong magdala ng mahihinang pagsabog sa paligid nito.
Pinaalalahanan na ng lokal na pamahalaan ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok mula sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone malapit sa bulkan dahil sa pagbuga ng abo mula sa bunganga nito.
Napagpalabas din ng abiso sa mga piloto na umiwas silang dumaan at magpalipad malapit sa bulkan dahil sa abo na maaaring ibuga ng bulkan sa pagputok nito.
Ang bulkang Bulusan ay itinuturing na aktibong bulkan dahil na rin sa mga nakalipas na pag-aalboroto nito.
- Latest

















