^

Probinsiya

7 tinedyer na kinidnap, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong tinedyer na kinidnap ng mag-ina na sinasabing notoryus na sindikato ng illegal na aktibidades ang nasagip sa isinagawang rescue ope­rations sa Alaminos City, Pangasinan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Ailyn Opolinto, 14; Sabrina Cabanban, 16; Wennilyn Humilde, 14; Rubilyn Villanueva, 16; mga nakatira sa bayan ng Bani, Pangasinan; Jerome Soriano, 16; Jhomar Ken Radoc, 17; at si Mark Christopher Cerdan, 17.

Arestado naman sa ope­rasyon ang mag-inang suspek na sina Christina Reyes, 46; at Christian Reyes, 22, kapwa nakatira sa Brgy. San Roque, Alaminos City.

Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang  alas-2 ng hapon ng magsagawa ng rescue operation ang Alaminos City PNP sa Ba­rangay Pogo.

Nabatid na dumulog sa pulisya ang mga magulang na sina Beberly Villa­nueva at Mary Ann Soriano kaugnay sa pagkawala ng kanilang mga anak simula pa noong Enero 23, 2015.

Nang salakayin ang pinagtataguan sa mga biktima ay nadiskubreng nakakulong sa cabinet ang mga biktimang sina Rubilyn, Jhomar Ken at si Mark Christopher habang ang apat pa ay nakakulong naman sa loob ng silid.

Pinaniniwalaang gagamitin ng mag-ina ang mga biktima sa kanilang modus operandi tulad ng pornographic sa website o cybersex na ang mga kustomer ay dayuhan.

vuukle comment

ACIRC

AILYN OPOLINTO

ALAMINOS CITY

ANG

BEBERLY VILLA

CHRISTIAN REYES

CHRISTINA REYES

JEROME SORIANO

JHOMAR KEN

JHOMAR KEN RADOC

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with