^

Probinsiya

7 dedo sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pito-katao ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan sa naganap na magkakahiwalay na sakuna sa Isabela kamakalawa. ?

?Naisugod naman sa Tumauini Community Hospital subalit idineklarang patay sina Ronald Manayan, Wilson Binalay, Erwin Velasco, Clifford Galot.

Ayon kay PO3 Arnel Baquiran, pauwi na sina Manayan at Binalay mula sa pakikipag-inuman nang makasalpukan ang motorsiklo nina Velasco at Galot sa kahabaan ng kalsada sa Barangay 3 sa bayan ng Tumauini.

Samantala, dalawa naman ang namatay matapos silang tumilapon sa kahabaan ng kalsada nang sagasaan ng kanilang motorsiklo ang nagkalat na tubo na nahulog mula sa cargo truck ng Bioethanol Plant sa Barangay Sta. Filomena sa bayan ng San Mariano.?

Kinilala ni P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP ang mga biktima na sina Mardson Diniega, 33; at Delfino Balisi, 25.

Sina Dineiga at Balisi ay bumili lamang ng birthday cake para sa anak.?

Malubha naman ang nagmomotorsiklong si Valentino Fuerte sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City. 

Arestado naman ang driver ng truck na si Alvin Cabbab na sinasabing inabandona ang mga nagkalat na tubo sa kalsada.?

Patay naman si Virgilio Espanto matapos  sumubsob sa kalsada  dahil sa pakikipagkarera ng motorsiklo kay Jay Cris Carnate sa Barangay San Lorenzo, Ilagan City, Isabela kamakalawa.

vuukle comment

ALVIN CABBAB

ANG

ARNEL BAQUIRAN

ARNOLD BULAN

BARANGAY SAN LORENZO

BARANGAY STA

BIOETHANOL PLANT

CHIEF INSP

CLIFFORD GALOT

ILAGAN CITY

SAN MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with