^

Probinsiya

2 bulagta sa pamamaril

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang pinabulagta sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Leon Rafael ang mga napatay na sina Wilfredo Bantigue, 48, ng Quezon; at John Jhon Laggui, 25, ng Cabagan.? Base sa police report, pauwi na si Bantigue mula sa sabungan nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa mataong lugar sa Barangay Barucboc sa bayan ng Quezon.

Naisugod naman sa Quezon Community Hospital subalit idineklarang patay habang narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol na bala.

Samantala, napatay habang nagmomotorsiklo ang biktimang si John John Laggui matapos itong pagbabarilin ng magkapatid na sina Jomel Talaue at Melito Talaue sa Barangay San Rafael Abajo sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Alitan sa pamilya ang isa sa sinisilip na anggulo ng mga imbestigador sa nasabing kaso.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY BARUCBOC

BARANGAY SAN RAFAEL ABAJO

DIRECTOR P

ISABELA

JOHN JHON LAGGUI

JOHN JOHN LAGGUI

JOMEL TALAUE

LEON RAFAEL

MELITO TALAUE

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with