^

Probinsiya

Bank exec itinumba, misis sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinabulagta ng pinaniniwalaang hired killer ang isang 71-anyos na bank executive sa harap ng kanyang nasindak na misis na nasugatan din sa nangyaring pag-atake sa kanilang bahay sa Barangay Muñoz West, Roxas, Isabela noong bisperas ng Pasko.?

Sa report na nakarating kay Isabela Police Director Sr. Supt. Leon Rafael; inaayos ni Herminio Ocampo, Chief Executive Officer (CEO) ng First Isabela Cooperative Bank ang kanilang bagahe sa kotse nang pagbabarilin ng gunman mula sa likuran dakong alas-4:30 ng umaga.?

Ayon sa kaanak ng mga biktima na si Elizabeth Aquino, 58, bibiyahe sana ang biktima kasama ang misis sa Pampanga kung saan sila magpa-Pasko nang maganap ang insidente.?

Nasugatan sa hita ang misis ng biktima na si Lydia Ocampo, 64, nang tamaan ng ligaw na bala.?

Isinugod ang mag asawa sa isang hospital sa Cauayan City subalit nalagutan ng hininga ang bank official sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.?

Mahinahon umanong nag­lakad palayo sa crime scene ang suspect matapos ang pamamaril.?

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY MU

CAUAYAN CITY

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

ELIZABETH AQUINO

FIRST ISABELA COOPERATIVE BANK

HERMINIO OCAMPO

ISABELA POLICE DIRECTOR SR. SUPT

LEON RAFAEL

LYDIA OCAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with