Trak hulog sa bangin: Lolo kritikal
TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Kritikal ang 65-anyos na lolo matapos mahulog ang minamanehong dump truck sa may 15-metrong lalim na bangin sa bulubunduking highway ng Sitio Nalay-an sa Brgy. Labang, bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni PO3 Antonio Agonoy ang biktima na si Alfredo Rivera ng Barangay Bonfal West sa bayan ng Bayombong. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaaberya ang makina ng dump truck (BCU 560) ni Rivera habang tinatahak ang paakyat na bahagi ng kalsada kaya mabilis itong umatras at tuluyang nahulog sa bangin. Isinugod sa Veterans Regional Hospital ang biktima na nakikipagbuno kay kamatayan. ?
- Latest