5 minero huli sa ilegal na pagmimina
CAMARINES NORTE, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang limang minero na iligal na nagsasagawa ng pagmimina sa Sitio Bulaay, Brgy. Palanas, Paracale,Camarines Norte, kamakalawa.
Ang limang suspek ay kinilalang sina Jovert Castilar, 32; Jay Jebulan, 22; Arvy Agarin, 30; Freddie Llaneza, 34; Jose at Noel Villar, 29.
Nakumpiska sa mga ito ang mga kagamitan sa pagmimina tulad ng 4 cap lamps with battery pack; 2 muel; 1 mallet at 1 blower.
Inihahanda na ng mga otoridad ang karampatang kasong laban sa mga suspek.
- Latest